Filipino Ang Makaapat Na Pangangasiwa Ng Espiritu Santo (Fourfold Ministry Of The Holy Ghost) (PDF)

Article number: FIEBFS-FMOTHG

Ang Espiritu Santo ay ang Ikatlong Persona ng Banal na Tatlong Nagkakaisang Pagka-Diyos at isa sa Esensya o Kalikasan kasama ng Ama at ng Anak; gayun man, iba Siya sa kanila. Ang Espiritu Santo ay ang May-akda ng pagbabagong buhay, pagbabalik-loob, pagtalima, at pag-iibang anyo ng lumang puso o masamang kalikasan ng tao.
Ang Espiritu Santo ay inuugnay ang lahat ng Gawa ng Pagtubos ni Cristo sa atin bilang mga mananampalataya, ginagawa tayong kasalo sa lahat ng mga benepisyo ni Cristo: Kaniyang Katuwiran, Kaniyang Pagkapako at Kamatayan, at Kaniyang Muling Pagkabuhay. Ang Espiritu Santo ay ang ating matuwid, legal na Tagapagtanggol na Siyang namamanhik sa ating kapakanan sa gawang pamamagitan, pagdaramdam sa gaya ng panganganak, at nananalangin sa pamamagitan natin. Ang Espiritu Santo ay nagpapalakas sa atin, at umaaliw sa atin sa pamamagitan ng pangunguna at paggabay sa atin ng Salita ng Diyos at sa pamamagitan ng pagpapasigla ng Katotohanan ng PANGINOON sa ating mga puso at sa pamamagitan ng pagpapalinaw ng mga mata ng ating pang-unawa kasama ng umaapoy na Liwanag ng Banal na Espiritu.

0 stars based on 0 reviews
Please accept cookies to help us improve this website Is this OK? Yes No More on cookies »