Article number: | FIED-DORFSG |
Sa sekyular na mundo, may kabayaran ang bawat paggawa, maging ang resulta man ng paggawa ay mabuti o masama. Gayundin, sa espirituwal na kaharian. Diyos ang magbibigay gantimpala sa tao sa bunga ng kanyang gawa, paglago, at ugali, maging ang kanilang bunga man ay mabuti o masama. Ang
gantimpla at parusa ay may kasamang kusang paggawa, maging ang paggawa man ay naisagawa ng pagkawalang alam o ng may kabuuang pagka alam sa kanilang kalalabasan. Ang gantimpala ay sumusunod ng kusa sa mga nagawang tama, at ang parusa ay sumusunod naman sa mga maling kusang nagawa. Ang Diyos ang magpapabuya sa tao ayon sa kanyang nagawa sa mundong ito.
Siya, na nagtatanim ng mahalagang Salita ng Diyos na may kasamang luha ay tiyak na darating muli ng may kasiyahan, at umaani ng pinakamabuting gantimpala ng Diyos. Ang Diyos ay bumabase sa Kanyang walang hanggang espirituwal na gantimpala para sa mga mananampalataya ayon sa kanilang paglagom at pagsasanay ng Kanyang Banal na Salita sa Bagong Tao. Sapagkat ang mananampalataya ay tumanggap ng kanyang Bagong Pagkatao, ng kanyang Bagong Puso, sa “anyo ng buto,” ang mananampalataya ay kailangang kumain ng. Salita ng Diyos at manalangin upang ang kanyang Bagong Katauhan ay lumago
sa Espirituwal na Pangangatawan hanggang sa maabot niya ang sukat ng Pangangatawan ng Kapuspusan ni Cristo (Ephesians 4:13).