Filipino Makapangyarihang Boltahe (Powerful Voltage Of Christ's Humility) (PDF)

Article number: FIEBLMD-POVH

Mayroong kaibahan ang kababaang loob at ang kaamuan. Ang kababaang loob ay pag uugali natin patungo sa Dios , samantalang ang kaamuan ay ating pag uugali patungo sa mga tao. Ang kaamuan ay bunga ng Espiritu na nakikita ng mga tao, subalit ang Espiritu ng Kababaang loob ay Mahalagang Hiyas na inilaan ng Dios sa atin upang ibahagi sa Kanya.

Ang kababaang loob ay tinatamasa lamang ng Espiritual na Katawan ng mananampalataya habang tinutulutan ng Dios ang mananampalataya na tamuhin ang Kapangyarihan ng Kababaang Loob ni Cristo, na naglalagay sa kaluluwa ng tao sa kanyang tamang posisyon sa harapan ng Dios. Ang tao ay gaya lamang ng walang pakinabang “walang kabuluhan” sa harapan ng Dios; at ang pagiging walang kabuluhan ng tao ay nagsisilbi lamang punto sa katotohanang lahat ng Kaluwalhatian, Kapangyarihan, at Karangalan ay nauukol lamang sa PANGINOONG Dios.

Kung ang mananampalataya ay palago sa Biyaya at Kaalaman ng
PANGINOONG Jesucristo, kinakailangang hayaan nilang ilagay NIYA ang
mahalagang bato ng Kababaang Loob sa kanilang puso upang magamit nila
yaon sa pagtaas at pagbaba sa taas at lalim ni Jesucristo.

0 stars based on 0 reviews
Please accept cookies to help us improve this website Is this OK? Yes No More on cookies »