Article number: | FIEBSG-GUTFOEL |
BUHAY! PAGLAGO! Dito sa lupa walang ibang nagbibigay ng higit na kaligayahan at gantimpala liban sa karanasan ng paglago. Mula sa unang pag galaw ng sanggol sa sinapupunan ng kanyang ina hanggang sa pagsibol ng usbong na butil sa bukid ng magsasaka, ang buhay ay nagbibigay pag asa, katuparan, at kasiyahan. Ang pinagmulan ng lahat ng buhay at paglago sa lahat ng kaharian ng nilalalang ay ang PANGINOONG Dios. Kung gayon, ang kaligayahan, pag asa, katuparan, at kasiyahan na nararamdaman ng isang nagmamasid sa pag lago ng buhay na nangyayari sa natural na kalagayan ay gayon din ang nararanasan habang ang isang Kristiyano ay natututong makakilala sa PANGINOONG Jesu-Cristo sa patuloy na pag-unlad ng espiritual na kapahayagan nila mula sa Kanyang Salita.